Here's a poem I have written many many years ago unearthed from an old hard disk.
2:30 am
Tula ni Lex Bonife
Tatlong na beses na akong nilalabasan sa gabing ito.
Ungol na lamang ng pagod na erkon ang naririnig ko
Hinahanap ka pa rin ng katawan ko.
Sa pagpikit ng aking mga mata, naalala ko pa rin ang iyong mukha
Ilang beses man akong mamaluktot sa piling ng mga malalambot na unan, hinahanap ko pa rin ang tigas ng iyong mga bisig.
Nanunuyo ang aking mga labi, hinahanap ang alat ng iyong balat,
Nanlalamig na ang aking mga tainga hinahanap ang likot ng iyong dila,
Sa kabila ng pagod ng aking mga palad, hinahanap pa rin nito ang dulas at lapad ng iyong likod.
Gusto kong makita muli ang pagnanasa sa iyong mga mata
Muling idikit ang aking pisngi sa iyong matikas na dibdib
Muling marinig ang saliw ng tibok ng iyong puso.
Muling halikan ang iyong leeg, pati ang iyong kaluluwa.
Ang iyong palad, pati ang iyong pangarap
ang iyong pusod, pati ang iyong mga problema,
ang iyong singit, pati ang iyong mga pangamba,
ang iyong ari, pati ang iyong mga dasal,
Sa ika-apat na pagsirit ng aking tamod,
Sana sumabay na rin sa pagtakas ang iyong mga alaala

No comments:
Post a Comment