Monday, November 3, 2008

Sabik Sa Bakla



Sabik sa Bakla
Tula ni Lex Bonife

Tahimik na ang mga martilyo, pako at lagari.
Dahan dahang nagsasabon ang mga matitipunong braso, dibdib at hita

Ubos na ang sinaing, nakakalat na ang mga lata ng sardinas
Nakahandusay na ang mga pagod na katawan,
Unti-unting nililimot ang nakahihingal na alaala ng kanilang maghapon

Maririnig ang mahinhing katok sa yerong pintuan
“No Trespassing”
“No Vacancy”
Ito ang isinisigaw ng marahas na pintura sa pasukan ng kanilang kaharian.

Papasok si bakla, bitbit ang bilog at emperador
Bawat mukha ay mamamangha,
Bawat antok ay mawawala.

Lahat mapapangiti
Sa pagdating ng anghel na mahilig lumuhod

2 comments:

Anz said...

Well, I'm Anz, i admit i like your writings esp the "Short Talks" (gusto ko man basahin ulit di ko na ma-locate) ... I was surprise kasi ang dami mo na palang nsulat dito ... Dati kasi parang konti lang ... Ur blog is definitely one of the best!

Lex Bonife said...

Salamat Anz!