I got back into poetry writing again. Here is a poem I dedicate to all the gay men in the sauna of my gym :)
Ang Paghihintay sa Sauna
Tula ni Lex Bonife
Nakaupong nag-iisa
Nakatapis ng basang tuwalya
Nakikinig sa katahimikan
Binabalot ng init ang buong katawan
Dahan dahang bumabagsak ang mga buhangin ng orasan
Nakatunganga, umaasa
Naghihintay ng biyaya
Sa nag-iinit na pakiramdam
At nanunuyong labi at lalamunan
Sa bawat wisik ng tubig sa mga bato ng sauna,
Lalong tumataas ang temperatura ng kapiligiran
Sa bawat segundong walang tigil sa pagdaan,
Lalong tumitining ang pangungulila ng kalamnan

No comments:
Post a Comment