Saturday, April 26, 2008

Gusto Kong Maging Burat




Gusto Ko Maging Burat
Tula ni Lex Bonife

Gusto ko maging burat
Kahit isang gabi lang
Walang mata, walang tainga,
Walang kamay, walang paa,
Walang isip, walang puso
Isang buong burat

Gusto ko maging burat
Kahit isang gabi lang
Maging isang pares ng walang ligalig na bayag,
Isang mahaba at nagmamalaking tagdan
Isang ulong nag-iinit at nagmamarunong
Kasama na rin ang mga mga nakalilito at sali-saliwang bulbol

Gusto ko maging burat
Kahit isang gabi lang
Sapagkat makapangyarihan ang ari ng lalake
Tinititigan, inaasam
Niluluhuran, ninanamnam
Parang isang santo, laman ng maraming dasal

No comments: