Showing posts with label poetry. Show all posts
Showing posts with label poetry. Show all posts

Wednesday, March 17, 2010

Briefs


“BRIEFS”
ni Lex Bonife

Sa araw na ito, nag-uumapaw ang aking kasiyahan.
Sa gitna ng aking palad ang iyong pagkalalaki.
Sa aking mga bisig, yakap ko ang iyong mabuhok at bilugang kayamanan
Sa aking mga labi nalalasahan ko pa rin ang alat ng iyong katas.
Sa aking mga dibdib ramdam ko pa rin ang pagngangalit ng iyong ari

Ngunit hindi araw araw ganito ang aking kapalaran.
Madalas, ako’y nakakulong sa morge…
ng mga bangkay na gawa sa cotton at polyester.

Salamat sa Diyos at kahapon, muli mo akong pinili
Para makasama, para makaniig.

Ngunit alam kong ang pag-iibigan natin ay panandalian lamang.
Dumating na naman ang oras ng iyong pagligo
Muli mo akong itatapon kasama ang mga marurumi’t mababaho.
Kaatabi ng mga pinagsawaan, dinumihan at makakalimutan.

Isang hiling ang aking dalangin
Bago mo ako lunurin sa dagat ng Tide at Downey
Sana muli kitang makapiling

Tuesday, October 13, 2009

Discreet



Discreet
ni Lex Bonife


Siya ay discreet.
Boses niya'y malalim.
Daliri niya'y nakapirmi;

Siya ay discreet
Mga barkada'y basketbolista.
Mga babae'y karay karay ng kanyang matitipunong braso.

Siya ay discreet
Dahil ayaw niyang sumama sa katulad kong kumekembot
sa kanta ni Madonna

Siya ay discreet.
Sa kanyang palagiang pagsuso
bigote niya'y tumutusok sa bayag ng kanyang niluluhuran.

Siya ay discreet
Dahil kapag tinitira siya ni kumpare
Sigaw lang niya'y "idiin mo pa dude"

Siya ay discreet
Lalake at macho
kahit wala siyang bayag panindigan ang kanyang pagkatao

Monday, November 3, 2008

Sabik Sa Bakla



Sabik sa Bakla
Tula ni Lex Bonife

Tahimik na ang mga martilyo, pako at lagari.
Dahan dahang nagsasabon ang mga matitipunong braso, dibdib at hita

Ubos na ang sinaing, nakakalat na ang mga lata ng sardinas
Nakahandusay na ang mga pagod na katawan,
Unti-unting nililimot ang nakahihingal na alaala ng kanilang maghapon

Maririnig ang mahinhing katok sa yerong pintuan
“No Trespassing”
“No Vacancy”
Ito ang isinisigaw ng marahas na pintura sa pasukan ng kanilang kaharian.

Papasok si bakla, bitbit ang bilog at emperador
Bawat mukha ay mamamangha,
Bawat antok ay mawawala.

Lahat mapapangiti
Sa pagdating ng anghel na mahilig lumuhod

Thursday, October 16, 2008

2:30am



Here's a poem I have written many many years ago unearthed from an old hard disk.

2:30 am
Tula ni Lex Bonife

Tatlong na beses na akong nilalabasan sa gabing ito.
Ungol na lamang ng pagod na erkon ang naririnig ko
Hinahanap ka pa rin ng katawan ko.

Sa pagpikit ng aking mga mata, naalala ko pa rin ang iyong mukha
Ilang beses man akong mamaluktot sa piling ng mga malalambot na unan, hinahanap ko pa rin ang tigas ng iyong mga bisig.
Nanunuyo ang aking mga labi, hinahanap ang alat ng iyong balat,
Nanlalamig na ang aking mga tainga hinahanap ang likot ng iyong dila,
Sa kabila ng pagod ng aking mga palad, hinahanap pa rin nito ang dulas at lapad ng iyong likod.

Gusto kong makita muli ang pagnanasa sa iyong mga mata
Muling idikit ang aking pisngi sa iyong matikas na dibdib
Muling marinig ang saliw ng tibok ng iyong puso.
Muling halikan ang iyong leeg, pati ang iyong kaluluwa.
Ang iyong palad, pati ang iyong pangarap
ang iyong pusod, pati ang iyong mga problema,
ang iyong singit, pati ang iyong mga pangamba,
ang iyong ari, pati ang iyong mga dasal,

Sa ika-apat na pagsirit ng aking tamod,
Sana sumabay na rin sa pagtakas ang iyong mga alaala

Friday, September 26, 2008

Hanggang sa Ating Pagtanda


Today, I and my partner celebrate our first anniversary. This poem is my gift to my man.


To the man I would like to be with for the rest of my life...


Hanggang sa Ating Pagtanda
Tula ni Lex Bonife para kay JDG

Sa pagkulubot ng ating balat, paglobo ng ating tiyan
Sana ako pa rin ang nasa tabi mo.


Sa pagtaas ng ating blood pressure, kolesterol at uric acid
Sana ikaw pa rin ang kayakap ko


Kapag dumating ang panahon at parehong hindi na natin kayang tumakbo sa treadmill,
Sana magkahawak pa rin ang ating mga kamay


Kapag nanlabo na ang iyong mga mata mo at hindi mo na kayang magmaneho,
Sana sabay pa rin nating tahakin ang landas ng buhay


Dahil darating ang araw,
Hindi na natin makikilala ang ating mga katawan
Bawat bahagi natin ay sisingilin na ng minuto at taon


Sana tayo pa rin ang magkasama
Hanggang sa ating pagtanda

Thursday, August 28, 2008

Kagabi, Maganda Ako



Kagabi, maganda ako
Tula ni Lex Bonife

Kagabi, maganda ako
Sa mga hiwa-hiwalay na hugis ng dilim
dahan-dahan akong naglalakad
Suot ang aking makulay at mapanuksong bikini,
Ang kanilang mga mata'y uhaw na sinusundan
ang bawat yapak ng aking mga paa.

Kagabi, maganda ako
Nilapitan ko ang isang lalakeng naghuhumindig ang mga braso at bisig
Ngumiti, nilapit ang kanyang mukha sa aking tenga.
Nanghina ang aking tuhod at ako ay napaluhod.
At dahan dahan kong hinarap ang kanyang malaking sikretong
tinatago ng malambot na tela ng kanyang boxer shorts

Kagabi, maganda ako
Dahil ayon sa aking 6 footer at morenong kalaro,
ayaw pa niyang agad labasan
Kahit dumadami na ang mga lalakeng pilit na inaaninag
ang kintab ng aking laway sa kanyang katawan
Walang pa rin tigil sa pag-ungol ng "Shit, pare"
ang aking bagong kaibigan.

Ako'y nagising yakap ang aking unan
Matigas ang ari, ako'y tumayo at humarap sa salamin
Binati ko ang kulubot na linya ng aking noo pati na rin
ang aking nagmamalaking tiyan
At ako'y ngumiti, ang sabi ko lang "Kagabi, maganda ako"

Tuesday, June 24, 2008

Ang Paghihintay sa Sauna


I got back into poetry writing again. Here is a poem I dedicate to all the gay men in the sauna of my gym :)


Ang Paghihintay sa Sauna
Tula ni Lex Bonife

Nakaupong nag-iisa
Nakatapis ng basang tuwalya
Nakikinig sa katahimikan
Binabalot ng init ang buong katawan

Dahan dahang bumabagsak ang mga buhangin ng orasan
Nakatunganga, umaasa
Naghihintay ng biyaya
Sa nag-iinit na pakiramdam
At nanunuyong labi at lalamunan

Sa bawat wisik ng tubig sa mga bato ng sauna,
Lalong tumataas ang temperatura ng kapiligiran
Sa bawat segundong walang tigil sa pagdaan,
Lalong tumitining ang pangungulila ng kalamnan

Saturday, April 26, 2008

Gusto Kong Maging Burat




Gusto Ko Maging Burat
Tula ni Lex Bonife

Gusto ko maging burat
Kahit isang gabi lang
Walang mata, walang tainga,
Walang kamay, walang paa,
Walang isip, walang puso
Isang buong burat

Gusto ko maging burat
Kahit isang gabi lang
Maging isang pares ng walang ligalig na bayag,
Isang mahaba at nagmamalaking tagdan
Isang ulong nag-iinit at nagmamarunong
Kasama na rin ang mga mga nakalilito at sali-saliwang bulbol

Gusto ko maging burat
Kahit isang gabi lang
Sapagkat makapangyarihan ang ari ng lalake
Tinititigan, inaasam
Niluluhuran, ninanamnam
Parang isang santo, laman ng maraming dasal