Monday, October 26, 2009

Catholic's View on "Juan"



Here's an interesting review from an arm of the Catholic Bishop's Conference of the Philippines

"Payak kung maituturing ang kuwento ng pelikula na sinundan lamang ang isang araw sa buhay ng isang taong nais magbagong-buhay. Ngunit ang kapayakang ito ang nagpahatid at naglahad ng epektibong kuwento ng mga taong ang buhay ay nakatago sa dilim. Kitang-kita ang pagkakaiba ng buhay ni Juan sa araw at gabi.

"Maganda at totoong-totoo ang eksenang ipinakita sa pelikula. Malinaw ang pagkakalahad ng kuwento na hitik sa simbolismo. Mahuhusay din ang mga nagsiganap na bagama't mga hindi kilala at hindi malalaking pangalan sa industriya ay nagawang
magampanan ang kanilang papel nang makatotohanan. Maganda ang direksiyon ng pelikula sa kabuuan dahil na rin sa naging matapat ito sa mga katotohanan ng lipunan na bihira na lang mapansin ng karamihan."

Here's their line that I just love:

"...nakababahala pa rin na nagiging katanggap-tanggap na sa lipunan ang pagsasama ng dalawang lalaki na parang mag-asawa. Hindi kailanman magiging panghabang-buhay ang ganitong relasyon at makasisira ito sa pagbuo ng pamilya."

And here's my eloquent reply to them, the reviewer and the whole leaders of the church: Utot niyong lahat!

5 comments:

the vampire wolf said...

hahaha natawa ako sa reply mu, lex...

at least they tried to say it in a nice way...hehehe give them a break...they sure considered your work! (which i'm sure is great again!)

as for me, keep creating quality movies that will move your endeavor one step further...

congratulations to another success!

;p

nj said...

Is "utot nyong lahat" an eloquent comment? What's wrong with the review to deserve such a base phrase? The review simply expresses a Catholic point of view; would you expect something else? Are Catholics not free to teach what they believe?

LoF said...

"Hindi kailanman magiging panghabang-buhay ang ganitong relasyon at makasisira ito sa pagbuo ng pamilya."

ang buhay na walang-asawa dahil panata at mga panggahasa ng mga bata dahil ito ay makakasira sa pagbuo ng pamilya at pagtatatag ng paghahari ng Diyos.

Anonymous said...

And so? Do gays really have problem with accepting the views and beliefs of other groups in society? I hope not. Otherwise, we fall into the trap of the accused becoming accusers themselves. If so, there would be not end to the vicious circle. We say peace to all!

Anonymous said...

nakakagulat ang comment mo sa last liner ng review. parang hindi ganyan ang inaasahan ko sa 'yo.

ang pagsasama ng 2 lalaki ay pwedeng panghabang buhay at pwede rin namang hindi at alam nating mga bading yan.

talaga namang hindi nakakabuo ng pamilya ang 2 lalaki ano! ang ibig sabihin nito ay normal na pagbuo ng pamilya.

ang mga bagay na hindi ayon sa gusto mo o nating lahat, hindi ibig sabihin ay mali o kasinungalingan. ayaw lang nating tanggapin at unawain!

relax ka lang lex! normal comment lang 'yon. wag kang magpaka-galit!