Friday, January 27, 2012

Officemates Bully a Gay Man

Do you ever get bullied in your office just because you are different - limp wristed, high-pitched and a Lady Gaga fan? Here's a letter from one of our unlucky brothers:

Dear Sir Lex,

I'm gay pero bihis lalaki pag pumapasok sa opis at sa bahay din, kasi hapi naman ako sa ganung itsura. Pero I experienced pang-aasar at the same way it's act of discrimination sa work. Sabi ng boss ko paulit-ulit na magbago na ako kasi new year na, parang naiinis na rin ako kaya sabi ko, choice ko maging bakla wala ba ako akong karapatan sa choice ko, di naman sya sumagot parang wala lang. Pinaka slight hurt ako nang nagpicturan kami ng boss kong maitim, sabi ko kasi ang puti ko sa picture (crush ko yung boss ko na lalaki at alam ng small group namin kaya may asaran)nagpantig sa tenga ko dahil sa sinabi ng girl na kasama namin "di bale ng maiitim wag lang bakla". Tingin mo lex mag resign na ako? kasi sobra na ang pang bubully pero sinasakyan ko na lang na parang joke at nakatawa that I'm gay at tsaka ayaw ko na rin naman ng work ko ngayun. Payo naman po!

Bullied Gay Worker

2 comments:

Bb. Melanie said...

Dapat sinabi mo, "Di bale nang bakla, hindi naman panget!"

Minsan kasi, kapag alam ng mga tao sa paligid natin na kaya nila tayo, mamaliitin at mamaliitin nila ang kakayahan natin. Unang una, nasa trabaho ka para magtrabaho hindi para makipagmingle sa kanila. Hindi nila hawak ang sweldo mo kaya wag silang mag-inarte.

Pangalawa, kung hindi naman sila ang boss mo, kebs sa pagmumukha nila.

Pangatlo, show them kung gaano magtrabaho ang isang bakla. Pulido ang karamihan sa atin when it comes to work. Quality ang una bago ang kung ano pa man.

Lastly, magsaya ka. YUN NA!

Anonymous said...

The only way to get rid of bullies is to simply retaliate. It may be hard but the best you can do is to at least fight back. Bullying is inevitable because matter-of-factly, we gays really are different. Whether we like it or not, some people really find it difficult to respect or treat gays equally. Again, RETALIATE!! =)

-PersephoNelly-