Thursday, August 28, 2008

Kagabi, Maganda Ako



Kagabi, maganda ako
Tula ni Lex Bonife

Kagabi, maganda ako
Sa mga hiwa-hiwalay na hugis ng dilim
dahan-dahan akong naglalakad
Suot ang aking makulay at mapanuksong bikini,
Ang kanilang mga mata'y uhaw na sinusundan
ang bawat yapak ng aking mga paa.

Kagabi, maganda ako
Nilapitan ko ang isang lalakeng naghuhumindig ang mga braso at bisig
Ngumiti, nilapit ang kanyang mukha sa aking tenga.
Nanghina ang aking tuhod at ako ay napaluhod.
At dahan dahan kong hinarap ang kanyang malaking sikretong
tinatago ng malambot na tela ng kanyang boxer shorts

Kagabi, maganda ako
Dahil ayon sa aking 6 footer at morenong kalaro,
ayaw pa niyang agad labasan
Kahit dumadami na ang mga lalakeng pilit na inaaninag
ang kintab ng aking laway sa kanyang katawan
Walang pa rin tigil sa pag-ungol ng "Shit, pare"
ang aking bagong kaibigan.

Ako'y nagising yakap ang aking unan
Matigas ang ari, ako'y tumayo at humarap sa salamin
Binati ko ang kulubot na linya ng aking noo pati na rin
ang aking nagmamalaking tiyan
At ako'y ngumiti, ang sabi ko lang "Kagabi, maganda ako"

No comments: