Wednesday, March 17, 2010

Briefs


“BRIEFS”
ni Lex Bonife

Sa araw na ito, nag-uumapaw ang aking kasiyahan.
Sa gitna ng aking palad ang iyong pagkalalaki.
Sa aking mga bisig, yakap ko ang iyong mabuhok at bilugang kayamanan
Sa aking mga labi nalalasahan ko pa rin ang alat ng iyong katas.
Sa aking mga dibdib ramdam ko pa rin ang pagngangalit ng iyong ari

Ngunit hindi araw araw ganito ang aking kapalaran.
Madalas, ako’y nakakulong sa morge…
ng mga bangkay na gawa sa cotton at polyester.

Salamat sa Diyos at kahapon, muli mo akong pinili
Para makasama, para makaniig.

Ngunit alam kong ang pag-iibigan natin ay panandalian lamang.
Dumating na naman ang oras ng iyong pagligo
Muli mo akong itatapon kasama ang mga marurumi’t mababaho.
Kaatabi ng mga pinagsawaan, dinumihan at makakalimutan.

Isang hiling ang aking dalangin
Bago mo ako lunurin sa dagat ng Tide at Downey
Sana muli kitang makapiling

No comments: