Saturday, August 1, 2009

Stop Watching "Gay Indies"

Napakarami kong nakakausap na bading na nanood ng mga “gay indies” o yung mga independently produced gay films at isa lang ang kanilang dahilan sa panonood nito --para masilip ang mabilis na pagbuyangyang ng ari ng kanilang paboritong actor.

At isa lang ang ipinapayo ko sa kanila – huwag nang magsayang ng oras at pera kung “nota” o ari lang naman ng actor ang dahilan sa pagbabayad sa sinehan.

Una, ang mga larawan ng mga eksenang naglalaman ng “frontal nudity” ay lalabas din naman sa internet pagkatapos ng ilang linggo. Ang mga litratong ito ay maari mo pang titigan sa loob ng iyong kuwarto at mas matagal na mapapagpantasiyahan.

At kung “nota” rin lang naman ang mahalaga para sa iyo, huwag ka nang magtiis sa minadaling pagpapakita sa mga pinoy gay indies. Baka mas maligayahan ka pa sa mga internet porn sites – dito ang mga nota ay nakababad at talaga namang handang sumabog dahil hindi sila nasasaklaw ng MTRCB, ang board of censors na ang tingin sa ating mga bakla ay “abnormal”.

Kung manonod tayo ng “gay indie movie”, sana manood tayo dahil ito ay may kuwentong sumasalamin sa mga karanasan ng mga baklang katulad natin. Sana sumuporta tayo dahil ang materyal ng pelikula ay nagpapakita ng kung ano nga ba dapat ang kinalalagyan nating mga bakla dito sa ating lipunan.

Oo, mahalaga ang titi sa ating buhay. Ngunit huwag nating kalimutan na mahalaga rin ang ating boses. Dahil sa boses na ito magmumula ang respeto sa atin ng lipunan. Respetong dapat matagal na nating nakamtan.

Mabuhay tayong mga bakla!

Lex Bonife
Writer ng isang gay indie, “Little Boy/ Big Boy”

9 comments:

Pinoy Gay Guy Confidential said...

I agree. FIlms like the ones you collaborate with Jay Altajeros are really not mere means to see the male organ. They are windows to the thoughts and lives of gay man like us. Not just having a voice but a mirror to parts of our lives that lead us to feel we are not alone to the feelings and situations we face. Again, thank you for the ticket. And thank you for your work. :D

Alex said...

Hi Lex,

Thank you for this particular topic/item on your blog.

I just want to sort of make an addendum to my comments to an earlier entry you had on the negative comments elicited from some viewers by the movie sagwan and its director, whose name escapes my mind now (sorry).

You are correct with what you said. I bought a DVD of the movie just so I can see for myself what were all the noise created by that blowjob scene. It was already deleted as expected and I believe a lot more "daring" scenes had been deleted by the MTRCB.

Did it affect the cohesiveness of the entire movie? Did the viewer become disoriented with the removal of the scenes? I couldn't tell because I was not able to watch the movie when it was shown uncut.

My point here is that I may not have liked the story flow on how it was done. But as a gay themed movie, I understood what it's objective was and why it had to be presented as such. I appreciated the efforts of the producer and the director by having a gay themed movie even if there were no more frontal scenes of the male leads.

In other words, yes, directors and movie writers can create gay themed movies sans the so called "required frontal scenes" and still make the movie rise above the expectations of the gay moviegoers. And yes, you are correct. What is the use of promoting and working for the advancement of the pink films if its very patrons are there to be lured according to their prurient intentions only.

Again, thank you for this space.

Regards.

Anonymous said...

wagi ang entry na ito.. punto por punto... we can't deny the fact that many people watch movies for visual delight (movies in general), but the essence should be the main reason why we appreciate and watch films.
I have watched your lihim ni antonio and i was totally moved by the scenarios... ang sarap mag focus group discussion after that... going back, we should all transcend our level of appreciation... di s'ya madalian na mangyayari but i am hopeful, we will get to that point.

Tony said...

I find this post ironic coming from the writer of "Ang lalake sa Parola" and "Lihim ni Antonio". The former of which basically started the "required full frontal shots" trend (granted, you may not have any call on that since you are the writer and not the director).

I find it distasteful, that after enjoying the success of both films, which one cannot deny that in some capacity the full monty of some of it's actors contributed to its success (I would wager, in no small way). That one would back pedal, and say, no no no, don't watch gay indies movies if you are just into penises.

I find it arrogant, to try and invalidate a person's own personal reason for watching a film. Be it emotional, intellectual, spiritual or carnal, all these reasons are valid.

I also find it sad that a person such as yourself would look to MTRCB and put such high value on what, to them, "normal" should be. As a wise person told me once, the biggest insult one can give me is to tell me how average and normal I am. Aren't we all about celebrating diversity?

I understand the sentiment of the post, but it rang hollow coming from you. Truly I am saddened by this.

line of flight said...

something very significant collectively occurs when "gay" movies can be regularly commercially successful without the peppering of pornographic shots. very significant from a socio-cultural point of view.

Anonymous said...

i salute tony for his comments.

lex ... what gives? i've always thought you to be a man of reason. why play naive all of a sudden?

i watched parola and antonio for the nudity and explicit scenes. crucify me! but please, wipe that hypocritical smirk from your face first! i might throw up!

ganito lang yan lex. you want appreciation for gay-themed indies solely on quality and artistic merits? cge, produce a maximo olivares. don't give me some half-baked movie and then pompously act as if your producers never used nudity as a come-on to your films.

nagkalat sa mga blogs ang mga pics ng sex scenes nina paolo and robinson. you don't want us to watch the film for the nudity and sex scenes? then DON'T sell it as a sex movie.

ganun lang kasimple. i am hugely disappointed. i USED to be a fan.

Princess Zee said...

Hi lex, you know what I love watching movies kahit ano ano lan na makita ko sa internet, kahit anong genre or countries galing as long as merong lessons na iniimpart ang movie. With gay indie movies, you point it right. Ang galing. I already watched ang lihim ni Antonio and it was so fantastic! Ipagpatuloy niyo ang paggawa ng ganitong klaseng storya na kakapulutan ng aral. Sa inyong laban na ibulaslas sa lipunan ang iyong karapatan, sana ay makamit ninyo ito.

thebaklareview said...

what exactly is wrong with wanting to watch nudity?

Anonymous said...

hay nako...yang philcinema na yan,...dina natuto,...mga bokayng palabas o movies ang ginagawa,..mag directors na obseletes na ang alam sa paggagawa ng movies,..heto namang mga stars nagpapagamit,..nag papaexploit,.well,..sa mga di kasikatang stars o mga stars na eke ek,.,..well,..imbes na magtinda nga naman sila ng wankata sa gaybar osanpaman,.papayag na silang masilayan ang kahubdan nila sa screen diba??......at talagang yun ang linya nila,,..isa pa,..di lang naman gay movies,sandamakmak din mag horror moves at lovestorys na hango sa kanta ang titulong movies,sa regal,starcinema,gma films,viva,...walang katorya toryang pacute roles o movies,..na shallow ang title,.,tsk,..nagsasayang ng tym at rolyo ang cast oproduction,.kaya naman kase nating gumawa ng movie na interesante at challenging diba??di ulit ulit na tema,..sa hollywood,.mix genres of movies..,.di flat,..sa atin sa titulo palang ng movie gets muna storyline,..at sananaman,...mas class oangat dapat mga movies natin kesa sa mga tv series,,parang mas mgaganda pa mga tv shows sa mga movies ,..hayyyyy....wake up!!phil cinema,..at sana wag ng ulit ulit na pares,.di na kinakagat ng tao ang loveteam na scripted,...ibat ibang pares na po,..siguro,we need brilliant directors,..fresh at proffesional o magaling tlaga,.godbless..